Tayo'y namangha sa galing ni Jang-Geum sa medisina sa Jewel in the Palace, napaibig ni Prinsipe Jumong sa kaniyang katapangan, tumutok sa buhay ni Deokman sa Queen Seon Deok at na-in love sa kwentong pag-ibig nila King Lee Hwon at Yeon-Woo sa Moon Embracing the Sun.
Ilan lang sila sa mga period dramas na naihandog na sa atin ng GMA, The Heart of Asia. Mula sa makulit na si Arang at sa pasaway na si Dong Yi. Ibinahagi sa atin ng Heart of Asia ang mga 'di malilimutang karakter na ating sinubaybayan gabi-gabi.
Ngayon 2014, atin namang kilalanin si Ki Seung-Nyang, isang babae mula sa Goryeo na ipinaglaban ang pag-ibig at ambisyon para makamit ang kapangyarihang inaasam. Ngayong Oktubre, ating tunghayan kung papaano tatahakin ni Seung-Nyang ang landas para siya'y maging Empress ng Yuan Empire!
Pinagbibidahan ito ng isa sa itinuturing na HOA Royalty ng Heart of Asia na si Ha Ji-Won. Ito na ang ikatlong beses na makikita natin si Ji-Won sa period dramas dahil una na natin siyang napanood sa Hwang Jini at Damo sa QTV-11. Nakilala din siya sa hit romantic fantasy-comedy na Secret Garden kung saan nakasama naman niya si Hyun Bin.
Nasa series din na ito sina Joo Jin-Mo bilang Wang-Yoo, Ji Chang-Wook (Smile, Dong-Hae) bilang Ta-Hwan, Jin Yi-Han bilang Tal-Tal at marami pang iba.
Abangan ang ika-sampung drama offering ng Heart of Asia para sa taong 2014, Empress Ki ngayong Oktubre na sa tagapaghatid ng dekalidad na dramas sa Asya, GMA7! -Kim Aimee, GMA Asianovelas