Noong Lunes (August 11) ay nagsimula na nga ang pinakabagong Korean drama ng GMA Network na I Hear Your Voice. Ito ay pinagbibidahan nila Lee Bo Young at Lee Jong Suk. Ang I Hear Your Voice na ang ika-limang drama na kasama sa 2014 omnibus plug ng Heart of Asia.
Ayon sa AGB Nielsen House Hold Ratings, nagtala ng 17.4% rating ang IHYV noong Lunes (pilot episode) laban sa katapat nitong show na naka 13.1% lamang. Sa sumunod na araw ay nakakuha naman ito ng 19.1% audience share kumpara sa kalabang show na naka 12.6% lamang.
Sa susunod na Lingo, magkikita na sina Hayley at Zach ngunit kasabay ng pagkikitang ito ay ang paglaya naman ni Matias matapos ang sampung taong pagkaka-kulong, Nasa panganib na ba ang buhay ni Hayley? Abangan ang mas kapana-panabik pang mga tagpo sa I Hear Your Voice, 10:05 PM pagkatapos ng Ang Dalawang Mrs. Real! - Kim Aimee, GMA Asianovelas