Walong tulog na lang bago ang simula ng inaabangang pagbabalik ng Queen of Romantic Comedy sa Heart of Asia na si Yoon Eun-Hye ngunit bago ang lahat, ating kilalanin ang mga karakter na bubuo sa pinakabagong Koreanovela na inyong mamahlin gabi-gabi!
Una natin siyang nasilayan sa GMA Heart of Asia bilang si Andy Go sa "Coffee Prince" noong 2008, sinabayan naman natin ang kaniyang kasinungalingan bilang Angela Gong noong 2012 sa "Lie to Me", ngayong 2015 kilalanin natin si Yoon Eun-Hye bilang si Mirae Na sa third offering ng GMA Heart of Asia na "Future's Choice".

Si Mirae ay isang 32-year-old call center agent, masayahin at kagiliw-giliw kahit na hindi sapat ang sinasahod nito sa kaniyang trabaho at naka-depende parin siya sa kaniyang nakatatandang kapatid. Pangarap niyang maging television writer at nang makilala niya ang kaniyang future self ay nangako itong tutulong siya sa pagkamit ng kaniyang pangarap ngunit simula nang nang magpakita ang kaniyang future self ay bakit tila mas inilalayo siya nito sa kaniyang dream job?
Ang rason sa biglaang pagsulpot ng future Mirae ay dahil kay Brix Kim, ang aroganteng news anchor ng YBS Station. Si Brix at Mirae ang magkakatuluyan sa hinaharap ngunit ang pagsasama nila ay mauuwi sa hindi magandang pangyayari at ito ang dahilan kung bakit mula sa future ay bumalik si Mirae sa nakaraan upang pigilan ang kaniyang sarili at palitan ang hinaharap.

Upang maiwasan ang pagsasama ng dalawa, ipinakilala niya si Mirae kay Xander Park na siyang tagapagmana ng YBS Station. Si Xander ay isang mabait at sweet na binata at walang pag-aalinlangan nitong kinuha ang trabaho bilang camera man upang mas makilala pa niya ang TV station na kaniyang mamanahin. Sa kabila nito, si Xander ba ang babago sa tadhana ni Mirae?
Kasama sina Lee Dong-Gun (All For Love, Sweet 18) at ang lead vocalist ng bandang CNBLUE na si Jung Yong-Hwa. Sabay-sabay nating abangan ang at samahan si Mirae sa kaniyang madrama ngunit nakakakilig na kwento na siguradong inyong iibigin gabi-gabi. Kasama rin sina Han Chae-Ahn bilang Tori Seo at Choi Myung-Gil bilang future Mirae, Future's Choice ngayong February 16 pagkatapos ng My name is Kim Sam Soon sa GMA Telebabad!