Si Mirae Na, 32-anyos pa lang pero mukhang losyang na.
Hindi man lang siya makapag-ayos ng sarili dahil sa dami ng problema sa buhay. Araw araw siyang tinatarayan at pinagtatawanan sa hindi kagandahan niyang trabaho. At nakaasa pa siya sa kuya niya at nakikitira sa poder nito.
Pakiramdam tuloy niya, napaglipasan na siya ng panahon.
Pero darating sa buhay niya ang isang misteryosang babae, at tutulungan daw siya nitong mabingwit si Mr. Right na magbibigay sa kanya ng masarap at madaling buhay!

Tamang tama naman sa timing dahil makikilala ni Mirae si Brix Kim na isang sikat na hotshot reporter para sa isang news station at si Xander Park na mukhang malayo ang mararating kahit na sa ngayon ay nagsisimula pa lang bilang cameraman.
Si Yoon Eun Hye ang gaganap bilang si Mirae Na. Minsan na niya tayong napasaya sa mga nakakakilig na seryeng Coffee Prince at Lie To Me. At narito na naman ang isang pagganap na magsesemento sa status niya bilang undisputed queen of Korean romcoms!
Sino kaya sa dalawang lalaking ito ang babago sa buhay ni Mirae? Alamin sa Future's Choice, February 16 na, bago ang 24 Oras. -Marah Ruiz, gmanetwork.com