Ang tinaguriang Hari ng Heart of Asia at isa sa mga itinuturing na HOA Royalty na si Kwon Sang-Woo ay muli na namang magbabalik sa Philippine TV!
Una nating nakilala si Kwon Sang-Woo noong 2005 bilang Cholo sa hit Korean series na "Stairway to Heaven". Pagkatapos nito ay sunod-sunod na ang mga series niya na ipinalabas sa Heart of Asia. Sinundan ito ng "Sad Love Song" at "Into the Sun" nang sumunod na taon. "Dating Now" naman noong 2007 at ang mga huling series niya sa Heart of Asia ay ang "Cruel Love", "Cinderella Man" at ang "Big Thing" kung saan nakapareha niya si Go Hyun-Jung.
Ngayong 2014 muli na naman tayong bibihagin ng angking kakisigan ni Cholo dahil muli natin siyang matutunghayan sa dalawang bagong dramang handog ng GMA Asianovelas, ang King of Ambition at ang Medical Team!
Ang King of Ambition ay kwento ng dalawang taong gagawin ang lahat makamit lang ang kanilang minimithi sa buhay samantalang iikot naman sa mundo ng medisina ang istorya ng Medical Team kung saan ang pinakamagagaling na grupo ng doktor sa Korea ay nagsama-sama.
Mga kapuso, handa na ba kayo sa pagbabalik ng Hari ng Asianovelas? -Chad Park, GMA Asianovelas