Noon Miyerkules naitala ang pinakamataas na episode rating ng I Hear Your Voice na nakakuha ng 19.7%. Ito na ngayon ang pangatlo sa listahan ng Top Rating Asian Dramas of 2014 kung saan hawak parin ng My Love from the Star ang highest record para sa taong ito. Narito ang listahan ng nakuhang household ratings ng IHYV para sa August 25-28:
I Hear Your Voice - 17.8% versus Aquino & Abunda Tonight - 12.5%
August 26 (Tuesday)
I Hear Your Voice - 17.9% versus Aquino & Abunda Tonight - 12.6%
August 27 (Wednesday)
I Hear Your Voice - 19.7% versus Aquino & Abunda Tonight - 13.9%
August 28 (Thursday)
I Hear Your Voice - 19.3% versus Aquino & Abunda Tonight - 14.8%
Nagsimula nang magpakita ng interes si Atty. Robert Cha kay Hayley ngunit hindi naman nagpahuli dito si Zach. Hanggang saan kaya hahantong ang bangayan ng dalawa? At nagbago na nga ba si Matias Min o may mas maitim pa itong pinaplano para sa taong nagpakulong sa kaniya ng sampung taon? Abangan ang mas kapana-panabik na tagpo sa I Hear Your Voice, Lunes hanggang Huwebes, pagkatapos na ng Ang Dalawang Mrs. Real! -Kim Aimee, GMA Asianovelas